Syempre meron din akong bibigyan ng espesyal na pasalamat dahil sila yung tipong mga early birds sa blog ko. Kum baga sila yung unang mga nakabasa ng mga kabalbalan at kadramahan ng aking layp.
Unang-una, salamat muna sa taong nag-encourage sa akin sampu ng aking mga kasamahan sa publication na maglipat bahay at i-transfer lahat ng blogs namin sa blogosphere. At yan ay walang iba kundi and may ari ng blog na itago na lang naten sa initials na Stupidly Perfect. Tama ang inyong nabasa, yun nga, at produkto iyan ng matambok na pag-iisip ni Bong. Salamat ng super dami Friend for introducing us this world. Syempre sa lahat din ng aking kasamahan sa TN, di ko kayo iisa-isahin pa dahil sobrang dami nyo (baka abutan ako ng boss namen e di pa naman pwedeng mag-internet pag nasa trabaho…sumasaglit lang naman ako kasi alam nyo na than when the cat is away, the mouse is alone kaya go go go!).
Basta nung hinalungkat ko ang inaamag ko nang mga posts e eto ang unang pitong pangalan na nakiepal sa posts ko.
Unang ratsada..tan…tanan…nanan…we have Paperdoll. Tingnan mo nga naman ineng, ikaw pala ang unang babae sa aking buhay este blog. Di nyo na itatanong dahil mag-isa lang naman ako dito sino nga bang magtatanong no? Ewan. Basta bagu pa man ako ginanahan na gumawa ng entries sa blogsperyo e nagbabasa na ako ng mga posts ni Manika. Super sasaket ang panga mo sa katatawa pag siya na ang rumampa. Dahil nga jan, na-inspire akong karerin na rin ang blogging. Bata pa lang ako, idol na kita PD, at hanggang ngayon idol pa rin kita kaya sana naman magparamdam ka na. Kung ayaw mo di na kita pipilitin, siguro maaga kang nagbakasyon. Ingat ka na lang ha. Let us know agad pan nanjan ka na kasi miss ka na namin. Tnx PD.
Sumunod kay PD ay walang iba kundi si Ate JosHy. Ang itinuturing kong ate sa blogsperyo. Siya lang naman ang nasa likod ng mga katangi-tanging posts sa Mundong Parisukat. Napakahusay nya talagang magsulat as in wala ka talagang di babasahin. Kaya naman nagtayo kami ni Dhianz ng fanz club kung saan si Dee ang pres, ako ang vice-p at si master ron naman ang treasurer. Oo tatatlo pa lang kaming myembro sa ngayon kaya naman nanawagan ako sa lahat ng Joshians na sumali sa fanz club at ng makarami kami. Hehe…back to you ate Joshy. Salamat talaga ha for giving me the chance to have a sister like u kahit dito lang sa blogsphere. It means so much to me. Hay naku ewan ko lang pagnawala kayo ni Dee sa Blogger, siguro mawawalan na ren ako ng gana. Kaya naman walang mawawala sa aten ha. Lab u te. Ingats ka jan sa inyo at hihintayin ko ang pagbabalik mo.
Pangatlong nagbigay pansin sa post ko ay si Saling-Pusa. Tama, bagu niya tinanggap yung suhestyon ni Bong na Pusang-Gala nalang ang gamitin niya dahil sa mga paglalakbay nya, e matagal na pala siyang visitor ng aking blog. Thank you so much PG. Tats na tats talaga ako sayo parekoy. Sana hanggat nanaisin mong mag-blog ay patuloy pa ren tayong magkakakilala sa blogsphere. Happy Holidays PG. Meow! Meow!
At ang susunod na dalawa ay ang mga kasamahan ko sa TN. Sina Mary Narvasa at Ambrucia na mas kilala sa initials na Cathy Guilaran. Oops! Initials lang ba yung nasulat ko Tat? Sorry ha, medyo bangag lang. Wag mo na lang sabihin na real name mo yun, lolz. Sila ang mga nilalang na ikinulong sa katawan ni Eba peru daig pa si Malakas kung umasta. Lalaki talaga sila peru sa tulong ng mga doctor ay naging matagumpay naman ang kanilang operasyon. Hahaha. Site ko naman to kaya sorry na lang mga girls. Diko naman kayo sinisiraan e, tinutulungan ko pa nga kayong lumabas sa lungga nyo. Hehehe…lolz…jowk lang mga kafated. Thanks din ha sa mga comments nyo sa page ko. Kahit alam kong ginagawa nyo lang yun para magcomment din ako sa blogs nyo. Hahaha. Honestly, salamat girls and I lab u both also.
Ngayon naman ay pumunta tayo sa susunod na pwesto. Siya lang naman ang presidente ng Joshian fanz club, none other than Dhianz. Sila ni ate jOshy ang dalawa sa mga importanteng tao sa mundo ko dito sa Blogger. Dee salamat sa lahat ha. Sana matagpuan mo nga ang iyong sarili sa gagawin mong soul sourching. Hahaha. Kung ano man yan, alam ko naman na kakayanin mo yan Dee kasi sobra ang kapit at tiwala mo kay Lord. Tama yan. Liliban din nga pala ako for a while kaya wala munang hahawak sa fanz club. Peru tama ka kasi whatever happens solid na tayo kay ate jOshy e. Basta nag-comment na ren ako sa post mo dEe. Atdun na yung ibang nais kong sabihin. Antayan tayo ha. God Bless You Always. Salamat talaga!
At syempre para makompleto na sila, eto na si master Ron Turon. Siya lang naman ang may busilak na kalooban na gumawa ng mga libreng disenyo ng layout for your blogs. Tulad nga ng sabi ni Dee kelangan mo lang sumipsip/magpasipsip ng konti kay master Ron. Salamat ng marami master sa pagtangkilik mo sa blog ko mula pa noon. Idol talaga kita kasi ang galing din ng mga posts mo. Happy Holidays Master. Ingats po lagi.
Kung merong mga nauna, meron din mga bagong dating sa tumtutugon naman sa akong blog kaya Arigatou sa inyong lahat. Malilimutan ko ba naman sina sir Pajay na napaka-informative ang mga sinisulat...thank you for sharing you ideas sir; ang bottomless na kapeng gawa ni Dylan Dimaubusan tnx miss Dy; salamat din kay Aian ni laging nagpapalit ng layout peru super dami na ng post mukhang aabot na yata sa 200 entries lahat; syempre kay Kosa din na at kay Pusang-Gala, salamat mga parekoy; thank you so much din kina Ms Donna, Mike Avenue, Zeb, Cyndirellaz, Chyng, Pio Jun Babia, Marco Paolo, The Dong, Krisha, Krisha, Bert Loi, Ewik, ExtraOrdinary Noriel, Gian Carlo, Caroline, Perfectly Imperfect, Royalty Ambisyoso, at yung mga nasa blogroll ko na nakilimutan kong banggitin: , Maya, at sayo Flor. Salamat din ng marami sa aking mga followers: Ms Donna, Bert Loi, Gian Carlo, Kosa, Zeb, Pusang-Gala, Ate JosHy, at Rina.
Salamat sa lahat at sa susunod pa. Mabuhay tayong mga bloggers!