Di ko lang sure kung last week ba yun, basta sure akong naka-lampas 500 post na siya. Yup, ang katropa kong si
Aian e more than 500 blog posts na ang naitala sa kanyang bahay sa blogosperyo. Siyempre, matagal-tagal na rin siya sa pagba-blog.
Kaya naman, naitanong ko rin sa sarili ko kung nakailang posts na ako. Aba naman, mabagal pa pala sa pagong ang aking iniurong dahil pang-singkwenta ko pa lang 'to. At ito pa, sa paghahalungkat ko ng kaban, akalain mong ngayon ko lang din nalaman na isang taon na pala akong umeepal dito sa blogosperyo? Biruin mong since August 2008 pa pala akong miyembro, e parang kelan lang ata yun!
Hay naku, hambilis talagang lumipas ng panahon. Kaya naman, dahil this is going to be my 50th post, I'll take this opportunity to thank everyone na naging bahagi ng aking pagiging blogger. Sa lahat ng bumisita, bumasa, umepal, at sumubaybay sa
Alipin ng KaHIRAPan, hisang malaking tEnChu senyong lahat. Salamat sa isang taon na puno ng echus. Sana naman ay humaba pa ang ating samahan dito. Salamat talaga ng marami.
Anyway, dahil nga sa ang post na 'to ay puro pasasalamat, lemme thank the following bloggers whose name I will be mentioning below. Unang-una, tenkyu sa boss naming si
Bong na siyang
nagtulak sa'min sa bisyo nag-udyok sa'min na magblog. Siyempre sa mga kasamahan ko rin sa
kulto publication na halos kasabay kong nagumpisa: kina
Marga at
Noriel na ngayon lang naligaw ulit sa blogosperyo at sa aking sapantaha ay umiiwas lang na magkaroon ng strike. hehe. Ay, nakalimutan ko nga pala si
Dora na kamakailan lang ay sinuspendi ang account dahil sa pangahas na pang-aangkin niyang jowa siya ni John Loy. Toinks! Peace Out Doh!
Magpapasalamat din ako ng maraming-marami kina
Manikang Papel na super active nung kakaumpisa ko pa lang, tapos biglang nawala na lang sa sirkulasyon. MP, wereber yu ar, bumalik ka na naman pls. Ganun din kay
Ms Dylan na laging libre ang kape tuwing napapadaan ako sa shop niya, hehe. Naku, ito sa pa'ng isang miss din si
Ms. Cindyrellaz na alam kong masaya dahil sa kanyang soulmate, tenchu po. Super tEnkYu din kay pareng
Mulong na kahit papanu ay umeepal sa mga post kong non-sense. hehe.
Isang bonggang pasasalamat din kina
Pusang Gala na originally known as Pusang Kalye at kay
Kosa naman na tumangkilik din sa aking blog. Syempre ganun din ang gratefulness ko kay pareng
Marco na idol ko dahil sa kanyang mga tula. Thank you po mga kuya.
Speaking of kuya, super tenkyu din kina
Master Ron at
Sir Pajay na lately ko lang nalaman na best of friends pala in real life. Isa kayo sa mga hinangaan ko when I was new, at patuloy na hinahangan until now. Salamat po.
Ngayon naman sa dalawang babaeng hindi ko lang katropa sa blogosperyo kundi mga kapatid ko nang itinuturing. Kay
Ate JOshy at
Pres Sis Dee, from the bottom of my heart, thank you for making my stay worthwhile and enjoyable. Ate Joshy, kahit dadalawa lang kami ni Dhianz sa fans club mo, solid naman kami. hehe. Basta, I hope what we have started would still continue in the coming years. Haylabyu both.
Bago ko makalimutan, taos puso din akong magpapasalamat kina
Ms Donna,
Kcatwoman,
Waterbased,
Zeb,
Jepoy,
Ms. Yanah,
Prof. Yodz, W.A.I.T at sa lahat ng mga followers at naging followers ko. Ganun din sa lahat ng naging kaibigan at naging bahagi ng blog ko, di ko man kayo mamention lahat, basta sa lahat ng nasa blogroll ko at sa lahat ng nagkomento, salamat talaga ng marami...as in super thank you po.
Hanggang sa susunod na kabanata!
Once again, happy anniversary to my blog!