
Sobrang bonggang-bongga ang lakas ng ulan dito sa maliit ngunit maganda at tahimik naming
*cabaret* lugar. Tae! Kala ko di na ako makakapasok sa work dahil
(sigh!) halos two hours din akong naghintay ng masasakyan habang ang lupit ng buhos ng raindrops on my guitar. Lang ya, nangawit na ‘ko sa kakaantay peru wala yatang namamasadang driver dahil sa lakas ng buhos ng ulan at hampas ng hangin.
Asan na kaya sina mamang driver sweet lover? Bukod sa para na ‘kong basang *trapo* sisiw eh super late na ako. Lagot na, baka tuluyan na akong masisanti nito. Ewan ko lang kung pa’no ko sasaluin ang galit ni madam employer.
At dahil mahaba ang aking
*!#^@$#~* pasensya, sa wakas ay may dumaan din traysikel. Pilitin ko mang sumakay ng taxi, di pwede dahil bukod sa obsolete yan dito, eh wala din akong pambayad. So mabalik tayo kwento. Dahil alam kong di ako agad makakasakay sa layo ng pupuntahan ko at may bagyo pa, dinoble ko na lang yung pamasahe. Ampf! Sigurista din si manong tsuper, triplihin ko na lang daw kasi galit ang weather condition. Kung bakit naman kasi walang blogger account (
meron ata di ko lang alam) si kuya Kim para updated ako sa lagay ng panahon. Kaya ayon nagbayad nalang ako ng triple kesa naman mawalan ako ng raket.
Habang binabaybay namin ang daan, wala na ‘kong makita sa harapan dahil sa bagsik ng ulan. Basta nagulat din ako dahil bumabaha na pala at hanggang tuhod na eh slow motion pa rin yung takbo namin. Tae! Para kaming sumusunod sa parade, 5km/hr ang drama. Napa-isip tuloy ako kahit walang utak. Di naman kaya dating drayber ng punerarya si manong? Ah basta umepal nalang ako at humingi ng medyo malakas-lakas na arangkada.
Go naman agad si manong at ginawang 6km/hr ang drama (
at least lumakas konti). Ewan, eto na yata yung maximum niya, palibhasa tanders na kasi. Kung may iba lang sanang masasakyan, kanina pa ‘ko bumaba. Tsk! Nagti-is nalang ako.
Nakakatawa lang kasi sa kasagsagan ng sungit ng panahon, may mangilan-ngilan pa rin sex workers na nakaposte
*ng meralco* sa gilid-gilid. Hay ewan, ganito yata talaga ang life! Kahit para nang mga lantang gulay, go pa rin sa kanilang raket. Patawarin ako, peru di naman siguro sila ang dahilan ng dilubyong ito? Nagtatanong lang po.
Sa aming pag-uusad pagong, may nasipat na naman ako. Sa gitna ng bagyo ang setting ng dramang ito. Umi-eksina ang lovers (
assume ko lang na lovers nga sila). Nakaluhod si babae na tila nagmamakaawa kay lalaki habang ang huli ay todo effort naman na makawala sa kapit ni Eba. Bukod pa jan, para silang bingi sa nagsisigawan sa daan. Buti na lang at dinaig sila sa lakas ng ulan at wala rin audience impact kasi walang ibang tao nun. Tama ba namang isabay sa bagyo ang LQ? Hindi naman sa nakikialam ako peru parang ganun na rin. Basta wala na ‘kong nakita after dahil malayo na kami.
Wala anu-ano pa at narating din namin ang lagusan este ang aking destinasyon. After kong magbayad ng pagkalaki-laki ay binuksan ko na rin ang payong kong dala. Pucha! Naramdaman kong basa na pala ako dahil super butas pala ang walang hiyang umbrella ni Rihanna. Buti na lang nasa harap na ‘ko ng gate.
Pagpasok ko ng opisina eh para na ‘kong lantang gulay na pupungas-pungas. Daig ko pa ang isinawsaw sa isang timbang tubig na puno ng yelo sa lamig. Late pa ako ng 20 minutes. ‘Pag mamalasin ka nga naman oo. Mabuti na lang at naintindihan ng supervisor namin ang kawawa kong sitwasyon. May raket pa rin ako. Yehey! Hai teka ang ginaw.
At dito po nagtatapos ang aking kwento Charo. Magandang gabi mga kagilagid at kabagang.