Hire Me Direct

Mga Echus ng Layp (da fuLL bersyon)

Author: mavs // Category:
Hai naku miss ko nang mag-post ng Tagalog kaya susubakan ko uling makaisa.
Medyo matagal na rin kasing wala akong new entry eh, kaya ito na muna.
Hay bilib talaga ako sa mga certified bloggers na kayang magpost ng tatlong beses isang araw, at dala-dalawa pa ang account. Kainggit naman kayo! Wala kasi akong laptop o PC at home, kaya sumasaglit lang na maka-log-in sa ofiz namin (sabay pray na sana may isang vacant so i can use). Kaya pasensiya na mga tsong at tsang kung di ako masyadong makahabol sa daily pace dito sa blogosperyo.

Anyway, di naman masyadong kahabaan ang ipo-post ko. Ikekwento ko lang yung awkwardness that I felt today with my friends (well at least ganun kami dati, ewan ko sa kanila if they still consider us friends ngayon). Parang history repeats itself lang noh kasi similar din dito yung nai-post ko dati. Peru dahil friendly nga ako, (i'm raising my hand) bago na naman ‘to. Bagong friends quarrel na naman (if there is such a term).

Haha…layp talaga. Resulta na ito nung last founder’s day namin. Syempre I made a decision na naman which to them is kinda unfair. Hay hewan ko ba sa kanila. Ang hirap talaga gumawa ng desisyon kasi di lahat sasang-ayon. But I had to do it, para naman madisiplina sila kahit papano. So ayun na nga, galit-galitan na naman ang drama nila sa ‘ken. Peru ano pa bang magagawa ko, I had to stand firm by my decision, however hard.

Ay oo nga pala di niyo alam ang istorya no? Ganito kasi yun, di ko lang naman kasi pinayagang i-release ang t-shirts ng classmates ko’ng (super bait) di tumulong o kahit nagpakita man lang ng kanilang mga kaluluwa sa activities namin last taym, habang halos i-chop na namen ang aming bodies just to distribute the tasks. At tama ba namang pupunta lang sila sa booth namen (salamat sa mga co-officers ko at dun na rin sa mga nagmagandang loob na tumulong at nagpuyat) to get their t-shirts. Ni hindi man lang nangamusta kung ano nang nangyayari sa mundong ibabaw, o kung buhay ba pa kami matapos hagupitin ng sandamakmak sa responsibilities, habang ang mga (hinayupak) super bait kong classmates at members ay dinaig pa ang pulis sa pagpapasarap. Tama ba naman yun Kuya Kim? Pakisagot naman po.

At eto na nga ang after-effect. Todo isnaban as in walang pansinan sa klase kahit siko na lang ang pagitan (imagine how awkward it is?). Imaginin mong tatatlo lang kami sa isang row, tapos kahit yata apakan mo pa yung mukha o kurutin mo yung large intestines, di pa rin iimik. (kaya mo yun?) Di pa naman ako sanay sa mga eksenang ganyan kasi maingay akong tao (peru pag wala akong kakilala, super tameme naman na parang pipi). Ganun pa man, ewan ko kay Batman, itutuloy ko pa rin ang ka-emohang 'to. Sabihin na nilang ma pride ako e sa yun lang ang meron ako sa ngayon. I won't reconcile with them until they realized their fault. Yeah, I should admit I have my shortcomings also, but sana naman aminin din nila na parehong kaming may kasalanan. Wag yung puro na lang ako yung nagpapakumbaba. (pang-MMK na 'to) Kasalanan ko oo, kasi bayad na yung Tshirts nila yet di ko pa rin binigay? (sino ba ako para i-hold ang shirts nila?) Hindi naman sa ayaw kong ibigay na nararapat na sa kanila, ang sa akin lang e magcooperate naman sana sila. I mean, nung naging 5th placer kami sa overall rankings ng 64 student organizations in the campus, para kanino ba yun? Para sa'ken lang ba yun? Di ba para sa society yun? Karangalan ng society namin yun. So kung lahat tayo nag-effort, e di lahat tayo makaka-appreciate nun daba?

But since tapos na ang lahat, nangyari na ang dapat mangyari kasi nanalo na si Pacman at mukhang magreretiro na si Golden Boy, pwede na nilang kunin kung ano yung sa tingin nila ay sa kanila. Ba't ko ba ipagdadamot yun? Unang-una hindi sa 'ken yun at pangalawa anong gagawin ko sa mga yun? Sagutin nyo naman ako please.

Ngayon, sa mga awkward moments na nangyari at mangyayari pa. Diyos na ang bahala kung kakayanin ko pa. But as the old cliche goes, I will just let the time heal. Pero sana it wont take long. Baka makasanayan ko nang isnabin sila at ganun din sila sa 'ken. Sayang naman ang ilang taon ng friendship. Miss ko na kayo mga bakla. Ewan ko ba kasi sa inyo. Ewan ko rin sa sarili ko.


At bago ko tapusin ang kaechusan ng layp ko, hayaan nyo munang magpasalamat ako dahil umabot na rin sa bilang na apat as in four as in kwatro ang followers ko. Sa ilang buwan ko na dito sa blogosperyo, akala ko wala ng magtitiyagang sumubaybay sa kabulastugan ko. But i was damn wrong. Meron naman pala. At dahil dun, tats na tats ako kaya buong nervous system kong pinasasalamatan ang aking mga tagahanga na sina Pusang-Gala, Zeb, Rina (na pinilit ko lang) at syempre sa newfound ate ko sa blogosphere na napakagaling, napakatalino at napakaseksing si ate JosH Marie. Salamat po sa inyong lahat. Paxenxa na rin kasi once in a blue moon lang akong magpost ng bagong entry yet you have given me the chance. Domo Arigatu Gosaimas. Narinig ko lang yan but di ko talaga alam ang spelling kaya sorry na ha.

Nga pala salamat din ng marami kay Kosa
dahil one of the followers ko na rin siya ngayon. Hay di pa rin talaga ako makapaniwala, dumarami na sila. Thank you guys. Wag sanang kayong magsawa at wag din magbago ang isip nyo. Nakakalima na ako.

24 Responses to "Mga Echus ng Layp (da fuLL bersyon)"

paperdoll Says :
December 9, 2008 at 4:46 AM

aba tigas ng mukha nung mga un ah! hahaha. . joke lang. . baka may blogger sa kanila awayin pa aco. . lol. .

dapat sinagot mo ng: dun sa mall maraming t-shirt. . bumili ka! hehe. .

kung wala ding pc dito sa bahay malamang wala aco dito sa blogsperyo. ang alam co lang kasi dati ym lang at fs eh. . hahaha. .

pusangkalye Says :
December 9, 2008 at 5:46 AM

friends quarrel na naman to (if there is such a term)--ngayon meron na-gawa mo.keke

serioussly, lagi sabi ng friend ko

there is no formula to success, but there is a formula for failure---that is, TRYING TO PLEASE EVERYBODY.

ako su, do what you have to do......

PaJAY Says :
December 9, 2008 at 6:15 AM

ayos dude....nkatikim n nman sila ng bangis mo....lolz....ayos yan para di mamihasa......

magkkroon ka rin ng pc sa bahay..patuloy mo lng pgging masipag mo....

~~m$. DoNNA~~ Says :
December 9, 2008 at 5:58 PM

Ok lang yan pare
mild pa nga yang ginawa mo eh
kung ako ang nasa kalagayan mo
tatadtarin ko sila ng pinong pino
at papatakan ng kalamansi..
at ipapapulutan sa mga kanto boys.. haiizzzzz....

mavs Says :
December 9, 2008 at 6:37 PM

@ paperdoll

wahehe...medyo nga makapal ang lepz nila MP eh..

ewan ko kung may blog yung mga yun, peru yung iba meron nga peru dont wori they wont read this (im crossing my fingers) lolz...

buti na lang nasa sarili ko parin ako dat taym at di ko nasabi sa kanila ung suggestion mo...

ako rin kaya, ym, fs at multiply lang ang alam, buti na lang inincourage kami ni friendship Bong na lumipat ng bahay...

hanggang sa naadik na aketch sa blogosperyo...

mabuhay tayong mga bloggers manika!

@ pusang-gala

haha...so may ganyan nang term ngayon at ako pa-unang gumamit..lolz

yeah tama ka PG...
ul u get is frustration if ul try 2 please everybody...

now i realized na di lahat maapreciate ang decision mo, lalo na pag medyo dehado sila, but u jaz have 2b firm with it no matter what...

salamat sa advice PG...

meow! meow!

@ pajay

sir magandang araw po...
tnx sa pagdalaw...
hehe, di ko pa nga masyadong inilabas ang bangis ko dun sir e, medyo mabait pa ako that taym...
wag lang sanang umabot sa sukdulan at ng di lumabas ang pagiging monster ko...lolz

sige sir, ihihiling ko na lang kay Santa dis Xmas na bigyan ako ng PC ngayong pasko...kaso wala kaming chimney, wala ding socks, pwede ba Santa kung sa sako ng harina mo na lang ihulog? lolz

@ donna

sobra naman ung suggestion mo ms don...

peru in fairness ha, masubukan nga yan next taym..lolz

kaso ewan ko lang kung tatanggapin ng mga sunog baga sa min ang pulutang ganyan...

tnx for the comment...

Anonymous Says :
December 10, 2008 at 12:42 AM

But I had to do it, para naman madisiplina sila kahit papano.

-YAN ANG TINATWAG NA TOUGH LOVE. KELANGAN MONG MAGING COLD AT GUMAW ANG DECISION NA MINSAN NKAKASAKITA AT NAKAKASAMA NG LOOB PARA MAY ILANG TAO NA MATUTO AT MAKAREALIZE NG KANILANG PAGKAKAMALI... tkea, nalalaglaga na namana ng puso ko... hehe

Kosa Says :
December 10, 2008 at 12:48 AM

anung kaguluhan to?
baka nman di nila alam na may get together slash party slash penitensya slash kawanggawa slash kulto pala kanung gagawin...

ibigay mu na kawawa nman sila..

akala ko ba puro tagalog to? bkit my mga "okwardnes" parin akong nakita..lols tagalog ba yun? joke
peace

mavs Says :
December 10, 2008 at 2:08 AM

@ jOsHmAriE

hinay-hinay lang te...
wag naman sanang malaglag ang puso mo...
tough love pala tawag dun te...
salamat now i know...
pwedeng ko ng gawing xcuse yan sa kanila...lolz
salamat sa payo 'te...
the best ka talaga...

@ kOSa

relak lang kosa...
wag masyadong hayblad...
wala namang kaguluhan...
ebryting is ander kontrol..hehe

matagal ko ng pinapakuha yung tshirts nila, pero parang sila naman ang ayaw...

hay naku habulan na naman ang drama...

hayaan mo na yung iilang foreign words kosa, ito naman di maungusan..hehe

tnx kosa

Randy Santiago Says :
December 10, 2008 at 7:26 PM

Lakad lang ng diretso, bai. Learn to choose between wall and bridge.

Keep up the good work!

mavs Says :
December 10, 2008 at 9:32 PM

@ Mike Avenue

tnx for the msg...
that was inspiring...
salamat bai...

cyndirellaz Says :
December 11, 2008 at 1:35 AM

gosh, grabe tong nangyayari sayu friend (hmm feeling close?) kasi naman pang MMK!! alam mo don't be bothered! hayaan mo na lang sila,tutal kasalanan naman nila yun eh you just disciplined them! and they deserved it so much!! isa kang tunay na friend dahil di mo sila kinukunsinte!! magling! magaling!!

nga pala, pa link na din!!

mavs Says :
December 11, 2008 at 5:17 AM

@ cyndirellaz

hey miss ganda
tnx for droppin by

haha..oo nga kasalanan nila, peru may kasalanan din ako...

but oo mabuting kaibigan ako, di nga lang naapreciate ng iba...

ok lang yan frend...(o kitamz feeling close din ako diba?)
hehe...

sure i'll link u 2 my blogroll
see u around...
GB

Anonymous Says :
December 11, 2008 at 6:13 AM

nawindang uli ang bangs ko sa sinabi mo na binasa mo ng malakas ang post ko. mwahahaha. apir! imbento ko lang ang chemistry terms na yan. nagmamarunong ang ate mo mavs. hahahah. may utang a akong post sayo about MASSCOMM people. pagbalik ko post ko.

taga-approve lang ng post. ako ang sasagot ng comments. haha.

mavs Says :
December 11, 2008 at 6:56 AM

@ jOsHmaRie

hehe...
talagang nawindang na naman ang bangs mo te?
naku, baka di na makarekaber yan? lolz...

galing mo mag-imbento ng chemistry terms 'te, nakakaconvince...hehe

palibhasa di ko masyadong type pumasok sa chem sabjecks ko dati...haha

oo nga ate jOshY...
aabangan ko talaga yang post mo about our craft...tama ba yun te?

haha...sosyal ka pa rin te kasi may tiga-approve ng comments mo...

sana lang ay maaprub yung mga comments kow...hehehe

salamat sa pagdalaw ulet 'te...GB

Kosa Says :
December 11, 2008 at 11:37 AM

taena..lols bat wala ako eh i make palo you..lols..
follow pala..

mavs Says :
December 11, 2008 at 11:47 AM

@ kOsa

hehe...maraming thank you talaga

for making palo este follow me

buong nervous system kitang pinasasalamatan for making it on the fifth place...hehehe

sige kOsa ihahabol kita sa blog ko...

salamat...talamas...

ng marami....

pusangkalye Says :
December 11, 2008 at 8:23 PM

naku----speacial mention pala ako dito. maraming salamat din Mavz

Dhianz Says :
December 11, 2008 at 11:13 PM

abah madrama si vice mavs... hehe.... hmmnnzzzz.... uso ren palah ang ganitong situation sa mga lalaki.... kala koh uso lang walang pansinan ek ek eh sa mga babae... hehe... eniweiz... ano bah sasabihin koh?...hahaha... bigay moh na shirtz nilah...hehe... hayaan moh silah... lahat naman nagkakamali eh.... wala naman perpekto devah... ano bah point koh?... d' thin is pano kung walang unang gustong kumausap.. eh di walah na... nde na kayo mag-uusap dahil lang sa isang maliit na bagay.... akoh kc... when i became a changed person... naks... changed person akoh...wehe... maldita atah akoh non... nd walang paki kung pansinin moh akoh or nde... kahit gano pa katagal pa yang away... didn't really care.. but noon 'un... now mabilis akoh magpatawad.... kahit nde pa nga humihingi nang tawad eh pinapatawad koh nah.... minsan lang tlgah may mga situation na kahit nde pinatawad moh na eh nde pa ren nag-uusap... humihingi na lang akoh kay God nang tulong kung pano uletz kame magkakausap nang taong 'un... basta ganonz... ayan... napahaba na hiritz koh... hehe... laterz vice mavs!... GODBLESS! -di

Dhianz Says :
December 11, 2008 at 11:18 PM

sensya na sa mga typo koh... wahaha... lagi naman eh... kainis pa tong N sa computer koh... sirah.. hirap pindutin... correction: d' thin is... the thing 'un...haha... and... "minsan lang tlgah may mga situation na kahit nde pinatawad moh na eh nde pa ren nag-uusap" i meant.. kahit pinatawad moh na... ayonz...hehe... 'un lng... wehe... laterz!

ask moh si mareng MP baka gus2 maging member nang club naten...hehe... open kamo ang slot for secretary...hehe... laterz!

GODBLESS! -di

mavs Says :
December 12, 2008 at 2:44 AM

@ Kosa

u deserve da special mention naman Kosa e...salamat talaga ha...

@ Dhianz

pRes dEe...kamusta naman?
napahaba ang chatting namin ni ate JosHy kagabi...
we talked about the "conflict" dito sa blogosperyo na sa wakas ay na settle na rin...
so lagyan ko na lang ng period yung tungkol jan...

back to ur comment...
oo naman uso din sa mga lalaki ang ganyan...
syempre may pride din naman kami...
ah basta ewan kung sinong unang papasin sa amin...
ok na naman sa aken e, in fact ubos na nga yung tshirts, nakuha na nila lahat...
siguro maaayos din to bago magpasko coz wer planning to have a xmas next week so i gez dun na magsisimula ang pagkakaayos...

naks! changed person ka na pala...
hahaha...ayos yan pRes dEe...
sige ha, kukumbinsihin ko si Manika na maging sexetary ng fanz club ni ate joShy...

ingats ka dEe..
GB...

~~m$. DoNNA~~ Says :
December 13, 2008 at 12:12 AM

quote: Hay bilib talaga ako sa mga certified bloggers na kayang magpost ng tatlong beses isang araw, at dala-dalawa pa ang account


wag mo na naisin magkaron ng daladalawang account
baka magkaron ka rin ng dalawang pagkatao
sa isang blog nagpapatawa ka
sa isang blog nag eemote...
hehehehehhehe....

mavs Says :
December 14, 2008 at 4:39 AM

@ ms donna

ay may pahabol pa palang comment mula kay donna...salamat

hahahaha...
mukhang kilala ko ang blogger na yan...
si manika no? hehehe

oo nga...
marami akong kilalang daladalawa nga blogs...

tnx 4 visiting ms doN...

punky Says :
December 18, 2008 at 5:01 PM

mabuhay ang mga tagalog blogs! hahaha!

mavs Says :
December 19, 2008 at 11:36 AM

@ Bert Loi

musta pareng bert (naks! close agad ang feeling)

mabuhay nga ang mga tagalog posts!

salamat sa pagdaan ha...

wag ka magsawa...

Post a Comment