Hire Me Direct

Rain rain go away!

Author: mavs // Category:

Gusto ko sana magpost din ng entry tungkol sa love kasi halos lahat ng bloggers ngayon ganun ang tema. Palibhasa ilang tulog na lang, araw na ng mga puso. Hay naku mapupuno na naman ang mga hotels at magiging todo expensive din ang flowers for this occasion.

Kaya lang di pa ako makaisip ng pang-Valentine post eh. But I think that would come later. In the meantime, kwento ko muna ang dalawang araw na patuloy na pagbuhos ng ulan (buti na lang ngayon at nagpakita na si bespren araw) na nagresulta sa grabeng pagbaha dito sa City of Gentle People. As in grabe. Kalahati ng mga dumaraang bus ang lubog sa baha (ewan ko lang kung may biyahe pa). Samantalang ang daming bahay at buhay ang tinangay ng rumaragasang tubig baha. Hindi ko man alam ang eksaktong mga nangyari kasi nakamukmok lang ako sa opisina habang nakamasid sa pagbuhos ng ulan. Kelan kaya mauubos ang pagtulo nito? Sana isang buhusan na lang para wala ng ulan, kaso parang ayaw talagang tumigil. Bad trip kasi brown out, pinapapak tuloy ako ng lamok.

Di naman siya (ulan) malakas kaso nga lang eh continuous ang buhos. Syempre dahil dun, lalambot ang lupa at magiging vulnerable sa flashfloods. Nang minsan humina ang ulan, lumabas kami saglit para bumili ng makakain. Ay oo di ko nga pala nasabing dumating yung dalawang kong kasamahan sa opisina na wala rin alam sa mga pangyayari dahil nagshoot sila ng commercial for school competition. Buti na lang dumating sila kasi kahit brown out eh ok na rin kasi pwede kaming magkwentuhan (tama ba yun?).

Anyway tuloy ang story, so paglabas namin (dalawa kami nung classmate ko) di syempre basing-basa kami kasi apaw sa tuhod ang tubig eh. Elevated pa nga yung dinaanan namin. Pati national highway di nakaligtas. Traffic dahil di na halos makaabante yung ibang sasakyan kasi namamatayan ng makina na gitna ng daan. Kaya ayon sina mamang pulis nakabantay salakay.

Nung makatawid na kami, nakita namin si David (classmate ko rin) na half naked kasi daw nahulog siya sa isang manhole habang naglalakad. Basa lahat ng gamit nya—cellphone, pera at gamit sa skwela. May pasok kasi kami every Saturday. Kwento pa niya, di raw muna siya makakauwi kasi gumuho yung bridge sa lugar nila. Syempre walang kahit anong uri ng sasakyan ang makakadaan. Naawa talaga ako sa mga nastranded dahil sa baha.

Di naman kasi nakakaligtas ang lugar namin tuwing may bagyo, peru hindi ordinaryo dito ang makaranas ng ganito kagrabeng pagbaha. As in lahat ng lansangan lubog sa tubig baha. Ewan ko lang kung may uuwian pa ako ngayon, sana naman di tinangay ng ago sang bahay namin (I’m crossing ma fingas).

Well anyway, kinabukasan narinig na lang ni Bong ang bali-balitang ang dami daw namatay sa dalawang araw na pag-ulan. Mga bahay na kinain ng baha at mga buhay na natagpuan na lamang na palutang lutang sa dagat. Grabe talaga.
So mga nangyari, ewan ko lang kung appropriate bang gumawa ako ng Valentine post. Marahil ito na muna. Naku pasensya na at napahaba ang kwento ko. Salamat sa pagbabasa. Naway patnubayan tayo ni Lord lagi. Ingat!

8 Responses to "Rain rain go away!"

cyndirellaz Says :
February 7, 2009 at 11:14 PM

grabe naman ang ulan, sa totoo lang ayoko ng ulan. nakakalungkot kasi iyun eh. anyway, wawa aman si david! sabagay panu nga naman siya makaktingin sa dinadaanan niya eh no? advance happy valentines nga pala ha! cnu date naten? hehe

Kosa Says :
February 7, 2009 at 11:48 PM

ayoko din ng maulan...
maambon ok lang...
maslalong ayaw ko sa baha..
madaming sakit ang nakalutang dun..hehhe

kahit anung panahon, basta may lablayf, parang araw pa rin ng mga puso... yahoong yahooooo
sige sige mavs..kitakits
ingat sa baha.. baka maanod ka..

mavs Says :
February 8, 2009 at 4:27 AM

@ Cyndirellaz

aha at hate mo pala ang ulan miss cYndY, panu bayan eh napapadalas ang pag-ulan ngaun so i suppose di mo masyadong trip...hehe
si Aian (isang ring certified blog adik) din hate na hate ang ulan, news editor namin sya, pag nagsisimula ng umambon, wag na wag mo siyang lalapitan kasi ngipin lang ang walang gasgas...lols

anyway, wala pa nga akong official ka date sa Valentine, patulong naman miss cYnDy...hehe at kelangan talaga ng saklolo...jowk...

advance pabati sa araw ng mga puSo

@ Kosa

well ayaw ko rin sana ng baha koSa kaso (aba binaligtad lang ang koSa...lols)walang choice eh, galit ata si inang kalikasan kaya ayon kelangan lumusong...
tnX sa pagDalaw sa boring kong tahanan kOsa...for surE mabulaklak ang valentine's day mo...hehe may ganun talaga...

Vhonne Says :
February 8, 2009 at 3:50 PM

buti na lang.. dito sa Lipa.. mataas itong lugar... ndi masyadong apektado ng baha... ndi din masyadong tinatamaan ng napakalakas ng paghampas ng hangin dahil sa mga bundok na nakapaligid sa lugar ng batangas...

kung araw ng mga puso... tapos ganito ang nangyayari... simple lang ang dapat gawin... tumulong sa nangangailangan.. dun natin mas maeexpress ang tunay na araw ng mga puso...

paperdoll Says :
February 8, 2009 at 5:38 PM

kayo nawa ang patnubayan ni lord. . mild lang ang bagyo dito sa buhay co. . grabe marvz nakakaawa naman sila. . grabe namiss kita pero disaster pala ang nangyayari jan. . since wala na ang bagyo, umpisa na siguro ng bagong pag sikat ng araw. . ayos lang yan. . pray na lang tayo na sana wala ng mapahamak na iba pa. . pati kayo mag ingat. . kung pwede lang pag may ganyan mag stay na kayo sa safe na lugar. . missyou nd wabyou. . tc. . xoxox ----alam mo ano to? nanonood ka ng betty la fea? hehe

Dhianz Says :
February 8, 2009 at 9:45 PM

nice.. may new post si bro vice mavs... sori... 'la akong time magbasa ngaun... padaan lang vice.... ingatz kah lagi ok.... nawawala si josha eh.. papahinga... so yeah... ingatz... GODBLESS! -di

mavs Says :
February 10, 2009 at 4:56 PM

@ Vhonne
Hi Vhonne
sAlamat sa pagDalaw sa'king taHanaN..
i've been 2 ur site "pinoybersyon" ryt?
i like ur posts...
hope we cud xchange linx...
anyway, masWerte pala kayo jan...
pero tama ka
sa mga oras na ganito
the best thing we cud do is to help...
hapi Vday nga pala, ilang araw nalang yan..
heheheh
sa uulitin...

@ PaperdoLL
hey PD
ano kaba namiss din kaya kita ng sobRa...
so ano sali ka na sa kulto namin?
wla nmang bagyo actually tuloy2 lang talaga ang malakas na buhos ng ulan kaya ayon, pero ok na ngayon...
may araw na...
sALAmat sa KAnya...
salamat din nga pala manika sa concern...
ingan ka rin ha..
misHou...and...waBshou
xoxo rin...hehe

@Dhianz
hi pres di
musta?
mukhang busy ah
ok lang jaz take ur tym
oo nga eh
sana bumalik na si ate jOshy
ingats ka di...

pusangkalye Says :
February 13, 2009 at 8:51 AM

happy valentines po~~~~

pamatay naman yang baha na yan---bastaa importante happy diba----parang kunga anu laang sinabi ko---keke

Post a Comment