Hire Me Direct

MiNSan pA uLAn bUMuhOS kA...

Author: mavs // Category:

Sobrang bonggang-bongga ang lakas ng ulan dito sa maliit ngunit maganda at tahimik naming *cabaret* lugar. Tae! Kala ko di na ako makakapasok sa work dahil (sigh!) halos two hours din akong naghintay ng masasakyan habang ang lupit ng buhos ng raindrops on my guitar. Lang ya, nangawit na ‘ko sa kakaantay peru wala yatang namamasadang driver dahil sa lakas ng buhos ng ulan at hampas ng hangin.

Asan na kaya sina mamang driver sweet lover? Bukod sa para na ‘kong basang *trapo* sisiw eh super late na ako. Lagot na, baka tuluyan na akong masisanti nito. Ewan ko lang kung pa’no ko sasaluin ang galit ni madam employer.

At dahil mahaba ang aking *!#^@$#~* pasensya, sa wakas ay may dumaan din traysikel. Pilitin ko mang sumakay ng taxi, di pwede dahil bukod sa obsolete yan dito, eh wala din akong pambayad. So mabalik tayo kwento. Dahil alam kong di ako agad makakasakay sa layo ng pupuntahan ko at may bagyo pa, dinoble ko na lang yung pamasahe. Ampf! Sigurista din si manong tsuper, triplihin ko na lang daw kasi galit ang weather condition. Kung bakit naman kasi walang blogger account (meron ata di ko lang alam) si kuya Kim para updated ako sa lagay ng panahon. Kaya ayon nagbayad nalang ako ng triple kesa naman mawalan ako ng raket.

Habang binabaybay namin ang daan, wala na ‘kong makita sa harapan dahil sa bagsik ng ulan. Basta nagulat din ako dahil bumabaha na pala at hanggang tuhod na eh slow motion pa rin yung takbo namin. Tae! Para kaming sumusunod sa parade, 5km/hr ang drama. Napa-isip tuloy ako kahit walang utak. Di naman kaya dating drayber ng punerarya si manong? Ah basta umepal nalang ako at humingi ng medyo malakas-lakas na arangkada.

Go naman agad si manong at ginawang 6km/hr ang drama (at least lumakas konti). Ewan, eto na yata yung maximum niya, palibhasa tanders na kasi. Kung may iba lang sanang masasakyan, kanina pa ‘ko bumaba. Tsk! Nagti-is nalang ako.

Nakakatawa lang kasi sa kasagsagan ng sungit ng panahon, may mangilan-ngilan pa rin sex workers na nakaposte *ng meralco* sa gilid-gilid. Hay ewan, ganito yata talaga ang life! Kahit para nang mga lantang gulay, go pa rin sa kanilang raket. Patawarin ako, peru di naman siguro sila ang dahilan ng dilubyong ito? Nagtatanong lang po.

Sa aming pag-uusad pagong, may nasipat na naman ako. Sa gitna ng bagyo ang setting ng dramang ito. Umi-eksina ang lovers (assume ko lang na lovers nga sila). Nakaluhod si babae na tila nagmamakaawa kay lalaki habang ang huli ay todo effort naman na makawala sa kapit ni Eba. Bukod pa jan, para silang bingi sa nagsisigawan sa daan. Buti na lang at dinaig sila sa lakas ng ulan at wala rin audience impact kasi walang ibang tao nun. Tama ba namang isabay sa bagyo ang LQ? Hindi naman sa nakikialam ako peru parang ganun na rin. Basta wala na ‘kong nakita after dahil malayo na kami.

Wala anu-ano pa at narating din namin ang lagusan este ang aking destinasyon. After kong magbayad ng pagkalaki-laki ay binuksan ko na rin ang payong kong dala. Pucha! Naramdaman kong basa na pala ako dahil super butas pala ang walang hiyang umbrella ni Rihanna. Buti na lang nasa harap na ‘ko ng gate.

Pagpasok ko ng opisina eh para na ‘kong lantang gulay na pupungas-pungas. Daig ko pa ang isinawsaw sa isang timbang tubig na puno ng yelo sa lamig. Late pa ako ng 20 minutes. ‘Pag mamalasin ka nga naman oo. Mabuti na lang at naintindihan ng supervisor namin ang kawawa kong sitwasyon. May raket pa rin ako. Yehey! Hai teka ang ginaw.

At dito po nagtatapos ang aking kwento Charo. Magandang gabi mga kagilagid at kabagang.

23 Responses to "MiNSan pA uLAn bUMuhOS kA..."

Anonymous Says :
November 9, 2008 at 4:50 AM This comment has been removed by the author.
Anonymous Says :
November 9, 2008 at 4:51 AM

next time ko na ipopost. nwalan ako ng gang mag-isip sumakit ulo ko kaya uuwi na muna ako.

--
lakas nga ng ulan kanina. basang-basa ako. salamat sa comment at sa laging pagpunta sa blog ko mavs. :)

mavs Says :
November 9, 2008 at 5:18 AM

walang anuman jOsH..isang certified josHan na rin ako eh..hehe..™

paperdoll Says :
November 9, 2008 at 7:14 AM

ano naman ang drama ng umbrella ni rhiana? tama ba spell? lol

hindi mo ba aco nakita dun sa mga nasa gildgilid? rumampa aco kagabe kahit maulanulan eh. .lol

shala ung nag LQ sa gitna ng ulan. .una kala co may ginagawa silang anumalya sa ulan. . like supaan. .kasi nakaluhod si girl. . haha, , baka feeling nila si marvin at jolina sila. . hehe. .

mavs Says :
November 9, 2008 at 7:31 AM

hahaha..ang bastos este likot talaga ng imahinasyon mo ppr doll..ganun ba? kaya pla feeling ko may pamilyar na mukhang nakahilira sa kanila..ikaw pala un...
ewan ko sa spelling, rihanna ata eh...lol..tnx sa pagvisit dai..

Anonymous Says :
November 9, 2008 at 9:01 AM

hay mavs slamat sa pagdaan ha...

basang sisiw ang labas mo noh? di lang pala basa, binabad pa. waha! peace! isipin mo na lang na kailangan mo pa ng extra ligo pag naulanan ka..think positive.lolz

cheers!

Unknown Says :
November 9, 2008 at 8:00 PM

akala ko ba dapat hindi mahaba ang posts? hehehe..

mavs Says :
November 9, 2008 at 9:16 PM

@ dyLan

salamat sa pagdaan at pagcomment na rin doOd...

@ mArGa

paxenxa kc i waz n hurry wen i posted dis kya maiksi lang..nxt time ill try 2 mke it longer..™

ewik Says :
November 9, 2008 at 11:20 PM

char!!!yaw2 au ka fren...hahah.ok ra na fren...oh, ni cimment na ko ha... cge ra b kag yaw2 nga kinahanglan jud kag comment... there... na.a na.

I am EXTRAORDINARY Says :
November 10, 2008 at 12:30 AM

haaay...cnxa na ha...nawala na ang bagyo...ngayon pako nakapag comment... well binaha rin sa amin nung umulan kaso hinigop q lahat ng tubig kaya nakarecover...joke lng... ala kasi akong milagay na comment ehh...lol... cge sa susunod magdala ka na ng payong tsaka salbabida...

Dhianz Says :
November 10, 2008 at 1:36 AM

abahhh... naki-joshanian ka na ren ah... hehe... abah tama nga c josha dapat na siguro tlgah akong magtayo nang fans club nyah.. hehe... akoh president kaw ang vice hehe... lol...

hmmm.... ok 'ung eksena sa kalsada ahh...

ganyan den akoh minsan... pag nasa public transportation mahilig magmasid sa paligid... observer akoh eh =)

sige hanggang sa muli... have a nice day nd GODBLESS! -di

mavs Says :
November 10, 2008 at 5:08 AM

@ noriel

di mo siguro binasa ung post noh? nagdala kaya ako ng payong..yun nga lang butas..hehe

@ dEe

hehe..pumayag kana kasing dee nalang kasi ang haba ng dhianz..master q nman si ronturon eh..hehe..lol..

sige go tayo sa fanz club na yan..vp ako ha..eh panu naman si master ron?

so pareho pala tayong observation este observant pala..

tnx nga pala sa comment..

have a niceday din..

Unknown Says :
November 10, 2008 at 9:23 AM

nakikisawsaw lang po..
ganda nman ng post..

Anonymous Says :
November 10, 2008 at 10:36 PM

balita ko vice ka daw ng fans club ko. nak ng tokawa kelan pa ako nagka-fans club. hahahahahhaah!

mavs Says :
November 10, 2008 at 10:48 PM

ganun na nga poh..
inindorso ni dEe eh..
sAna magtaGal ang fAnz cLub na to..
pwede nang makahingi ng advance na pondo? hehe..lol

Dhianz Says :
November 10, 2008 at 11:54 PM

abah nanghingi nang advance na pondo... hahaha... nde sa kanya ka manghingi... kay bossing ronz... hehe =)

makikita moh josha minsan nasa labas na kme nang workplace moh at may mga banners nah at nagtitilian... hehehe.... kausapin daw bah kitah d2 josha? hehe...

hi mavz! page moh palah toh... hehe... balita dyan??? =)

ingatz kah...GODBLESS! -di

mavs Says :
November 11, 2008 at 12:35 AM

hi deE..

buti naman nahalata mong site ko toh..hehe..

so marami na bang members ang fanz club na ititch?

sana lang ay may pondo tayo! hehe..

Unknown Says :
November 11, 2008 at 7:57 AM

haha.. asteg sa post parekoy, tagalog na tagalog at ang kwela! hahaha...

mukang sure na sure ka na sa landas ng pagbla-blog mo ah! natuwa ko sa post mo ah! hahahahahaha

Krisha Says :
November 11, 2008 at 1:58 PM

hhahaha natawa ako doon sa eksena ng lovers na nag lq..

may nag swiswimming din ba sa baha? :D

mavs Says :
November 12, 2008 at 7:50 PM

@ ron Tee

tnx sa comment master..
salamat din at natuwa ka sa walang kwentang post..hehe
sana nga tuloy2 na to..

@ krisha

tnx for dropping by
oo nga kakatawa talaga ung lovers
awa ni Lord wala namang nag swimming sa baha..
slamt sa komento..
have a nice day..

Anonymous Says :
November 13, 2008 at 9:25 AM

mav! kumusta? hehe

Gian Carlo Says :
November 14, 2008 at 8:24 PM

bason naa pay ulan para naay part 2..
hahaha! nice post!

peace..
rock on! \m/

Post a Comment