Hire Me Direct

Malaya ako!

Author: mavs // Category:
Bilang isang mamamayang Pilipino
Nakikiisa ako sa pagdiriwang
Ng ating ika-isandaan at labing isang taong
Anibersaryo ng kalayaan

Kalayaang matapang na ipinaglaban
Ng sampu ng ating mga bayani
Silang ating pinagkakautangan
Ng kalayaang ngayon ay tinatamasa

Subalit sa paglipas ng panahon
Matapos ang labing isang dekada
Ano na ang kinahinatnan
Ng kanilang ipinaglaban?

Nasaan na nga ba tayo ngayon?
Ang iba'y inaabuso ang taglay na kalayaan
Mayroon namang tila walang silbi ang kalayaan
Na hanggang ngayoy naninirahan pa rin sa dilim

Lumabas at pagmasdan ang lansangan?
Dito sa amin payapa naman
Tila walang dapat ipagsaya
Lahat may sariling mundo

Napansin kong marami ang ngayoy nakangiti
Marahil natutuwa dahil walang pasok sa opisina
O kaya naman ay doble ang sahod
Ang iba naman di alam kung bakit walang pasok

Naway kahit isang araw lamang kaibigan
Gumawa ng bagay na makabayan
Kahit paglalagay lamang ng munti nating watawat
At namnamin ang kahulugan ng ating kalayaan


6 Responses to "Malaya ako!"

Dhianz Says :
June 13, 2009 at 2:32 AM

siguro kelangan naten nang mga bagong bayani?... hiritz lang about 'ur poem... happy independence day sau... huli na ang pagbati koh sau ditoh. ingatz. Godbless! -di

mavs Says :
June 14, 2009 at 6:05 PM

@ Dhianz

di bale ng huli
basta galing sau
aprob na aprob yan :)

tnx pres sis dee...
be safe
and Godbless din...

optimistic dora Says :
June 16, 2009 at 4:43 PM

chakkz, gi career ang independence day, hehe... go marv, ajah! para sa bayan...

mavs Says :
June 16, 2009 at 5:38 PM

@ dora

amen to that dora marie!

Somnolent Dyarista Says :
June 16, 2009 at 8:40 PM

ahmmppp...


parang tinamaan ako?

mavs Says :
June 16, 2009 at 9:25 PM

@ somnolent dyarista

salamat at napadaan ka
sa pahina ko...
haha...
tinamaan kaba?
ehem...paxenxa na...
:)

Post a Comment